Author Archive
Title:
08-08-08 /
Sunday, August 17th, 2008
Sorry for the uber late post.
This entry was supposed to be published last week, kaya lang dami naging prob.
Sira pa rin kasi yung laptop ko til now nasa service center pa siya
So ayun.. 08-08-08 was a very lucky day for me. Hindi lang lucky.. HAPPY day pa.. Hindi dahil sa nanood kami ng A Very Special Love that day.. hindi din dahil sa tapos na ang exam sa Programming and COBOL kung hindi dahil.. May nareceive na ulit akong letter galing sa kanya.
I wrote him a letter nung July 11 pero nung August 8 pa dumating yung reply nya. haha
Me and my friends went to Robinson’s Place Ermita to watch a movie, pag-uwi ko around 6:30 pm.. may nakita akong sulat. I already knew it was for me.
Haha. Envelope pa lang ah.
Eto yung ilan sa mga nakalagay sa letter.
May mga nagsabi kasi sa Plurk na i-share ko naman kung ano nakalagay, so eto na.
Yung mga naka italicize yun ung sulat niya tas yung nasa baba yun un naman ung nakalagay sa letter ko.
VIEW ▼
“Ayon ang saya ko nanaman. Syempre may mababasa nanaman ako.. sa sulat nila papa and nung iba kong friends sayo palang ako nagrereply.. sosyal. haha.”
– Dapat ka lang naman tlaga sumagot sa sulat ko kasi hindi lang naman ako yung magtatampo kapag di ka sumagot. Pati sila, baka kuyugin ka ng block2 kapag di mo kami sinulatan.
“Sobrang hirap dito Charm parang tanga lang.. parang di na nga ako yung dating Dave nawala na pagiging kwela ko dito, medyo seryoso na lagi”
– Ayos lang yan, ayaw mo ba nun, may changes sayo.. Matututo ka na magseryoso, di na pwedeng dinadaan lahat sa biro, hindi ka pwedeng lumoko-loko jan.
“Biruin mo 4 years pa.. Ang dami kong sinacrifice para lang dito”
– Ganun tlga, pag gusto kang isang bagay dapat willing kang mag-sacrifice. Di naman kasi pwedeng pareho na sayo, hindi naman pwedeng mag-PLM ka at MAAP at the same time di ba?.. Tiis lang. Mabilis na lumipas yung oras.. hindi mo na rin naman mamamalayan na matagal ka na jan.
“Parang last March lang todo care kami kasi muntik kana hindi makapag-defense tapos just a snap lang ang layo na natin sa isa’t-sa”
–
“May visitation pala kami sa August 9 share ko lang.. Alam mo na gusto ko iparating di ba? Haha”
– Yeah alam ko. Haha. Sana sinabi mo ng mas maaga di ba, para nakapunta ko Aug 9 na bukas. Amp
“Like what you’ve said, la ka maxadong ginagawa, can you do me a favor?.. Send letter more often. don’t mind the push-ups I can surpass that”
– Parang ikaw nga dapat sumulat ng mas madalas eh, kasi ako naman kahit ilang letter walang kapalit na push-up.
Hmm., gaano ba ka-often gusto mo kong sumulat? Ok na ba yung everyday? haha
Andami sa letter niya na puro nag-rereminisce nung mga time na magkakasama kami.. sa overnight, pati sa mga inuman sessions.. Lalo na nung mga nangyari nung debut ko.
“the first time I revealed my feelings to the girl whom I don’t want to be hurt.. Maybe you know the reason dba?.. because I’m here and you’re there.. huhu”
– I know. I should have recorded everything you said that night. Minsan lang un, baka hindi na maulit. haha.
Onga noh, I’m here, you’re there.. hindi naman pwedeng I’m there din.
Ang saklap diba?
May kasama palang pictures yung letter, 4 un pero 2 lang ilalagay ko dito. Please walang tawanan or laitan.. Hindi siya gwapo ok? Makikita niyo lang dito yung SUPER difference sa ichura niya..
Walang laitan ng picture- HINDI SIYA GWAPO OK ▼

1. This is how he looks like nung huli kaming nagkita.
(The day before he went to Bataan)
2. Eto na ichura nia nung huli siyang nagpunta sa Manila (May 31)
I got teary eyed while reading his letter.. Tapos after mga ilang hours, nag-ring yung fone.. Si Papa yung naka-sagot sabi nia, “Oh yung nagpadala nung sulat”
Shocked talaga ko kasi di ko naman ineexpect na tatawag un.
We talked for less than 5 mins. lang.. Ang bilis noh? Super hina pa ng boses niya.. Phone Conversation ▼
D: Uy Dave toh, kamusta na?
C: ooh napatawag ka? asan ka?
D: Dito pa din, sa office, nakikitwag lang Natanggap mo na ung sulat?
C: Oo, kanina lang. Bat ang hina ng boses mo di kita marinig ng maayos.
D: Bawal kasi maingay dito. Limited lang yung time ng pagtawag ko kayang pakinggan mo ko mabuti ok? Di ko kasi macontact sila Papa, tumatawag ako sa bahay walang sumasagot eh. Text mo naman, pwede?
C: Ano bang #? Yung smart lang yung andito sa kin.
D: Hala, hindi na ata yan gamit niya. Tsk di ko maalala, cge di bale nalang. May visitation pala kami bukas.
C: Onga, di naman na ko makakapunta.
D: Uyy geh na. Paki-kamusta nalang ako sa kanila ha? Ingat ka. Miss ko na kayo. Bye.
C: Ay ang bilis naman, cge bye na.. Ingat ka din.
Nabitin ako. ugh, super ikli ng pag-uusap. Pero ayos na din, atleast tinawagan ako. infairness ah memorize nia landline number namin. ahaha. Hay, masaya nanaman ako. 