Archive for the 'School' Category
School’s keeping me B-U-S-Y.
nakakainis! :devill: Wala na nga akong masyadong social life nuon, tapos NABAWASAN PA LALO ngayon.
School-Bahay-School-Bahay ganyan na lang routine ko ngayon! Dati may time pa akong tumambay dun sa school, pero since wala na yung mga kasama ko. No choice ako kung hindi umuwi agad.
Ang daming ginagawa, Video Presentation, Mini-Seminar, mag-aral, mag-research, powerpoint presentation.
Nakakawindang.
Tapos nabadtrip pa ako, kasi diba, PINAGPUYATAN at PINAGHIRAPAN ko ung video presentation namin, un ung sa “10 faces of me”. Isipin niyo nalang kung gaanong kadaming picture, ako pa nag-type ng caption.. AKO LAHAT.
Di naman talaga ako nagrereklamo na ako gumawa nun eh.. Kasi kung wala naman ibang gagawa, sino pa aasahan namin.. Eto yung isa kong gawa,
Wala kasi akong tiwala sa sarili kong gawa, feeling ko lagi panget un.. feeling ko hindi magugustuhan ng ibang tao.. in short, di ako CONFIDENT at madalas ako mismo nagddown sa sarili ko. *un lang ang panget sa ugali ko* ..
Kagabi prinesent yung gawa ko sa buong klase. Nagkaron kami ng konting program, may 5 emcee, ginaya namin ung sa Nut’s Entertainment (BALAKUBAK portion). Todo laughtrip. :biggrin: Nakadamit pangbabae kasi ung mga classmate namin, tapos naka-make-up pa.
Kahit yung prof tuwang-tuwa. May intermission pa, MOYMOY PALABOY ng block namin,
After ng presentation *thumbs up* ang prof.
Yung ginawa daw namin ay mas mataas dun sa inexpect niya. Yung mga batch daw ng I.T ngayon ay mas CREATIVE kumpara sa mga nakaraang I.T na na-handle niya. At xiempre, mas maganda daw ung presentation namin kesa dun sa nauna. haha. Kaya ok na ko.
Sulit ang PAGPUPUYAT. ![]()














Charm. 90% fem. 10% male. :)









